Good Morning to all.. May anak po ako na 7 years old at meron po siyang ASD (Autism Spectrum Disorder).. Dati po kaming nakatira ng anak ko sa bahay ng tatay nya then nung inuwi ko po samin yung anak ko nung 8 months siya, hindi na po kami nasustentuhan.. Hindi po kami kasal nung lalaki pero naka pirma yung lalaki sa BC ng anak ko at dala ng anak ko ang apelyido nung lalaki.. Yung tatay po ng anak ko ay kasalukuyan pong nakatira na sa Japan.. Isang beses lang din po sya nagbigay ng sustento, yun ay nung nalaman nyang na-hospital ang anak ko at 4 thousand lang po yung pinadala nya after na po namin makalabas ng hospital.. Ngayong lumalaki ang anak ko at nag-tetherapy pa 3x a week, hindi na po kaya ng sahod ko mapunan lahat pati na din po sahod ng yaya ng anak ko.. Gusto ko po humingi ng sustento pero bago po yun, gusto ko maging handa kung sakaling hindi sya magbigay pagnakausap ko po siya.. Ano po maaari kong gawin para hindi sya makatanggi magbigay ng sustento? Gayon pong nalaman ko na malaking kumpanya yung pinapasukan nya and for sure hindi mababa ang sahod nya dahil nakakabili sya ng mga usong gadgets.. asahan ko po ang inyong sagot.. Maraming salamat po..