Ano po pwede naming itake legally kapag nambabae po yung tatay ko? OFW po siya for 21 years sa Saudi, pero this past years, nag iba po yung pakikitungo niya sa amin. Naconfirm din po namin na meron siyang kabit. Ang concern po ng family ko ngayon eh yung sa severance package na nakuha niya, kasi po, medyo malaki, and kapag po wala kaming ginawang action, sa babae niya mapupunta yun.
Hindi rin naman po makapagbenta ng properties nanay ko kasi po conjugal properties yung mga yun. Nagbasa basa po ako na mahirap po patunayan yung concubinage, kaya better daw po na sa Psychological Abuse sa VAWC. Pero not sure lang po kung ano ang magiging outcome ng mga properties kapag pinursue yun.
Thank you.