What is the best thing to do, tungkol po ito sa small claim court na finile ko since 2011 at until now hindi pa din nae-execute. Hindi ko alam baket hindi pa madesisyonan ng judge for execution despite all the evidences, proofs and hearings at di rin naman sinisipot ng deffendant. Ang tagal tagal na po ng kaso ko pati po nagastos ko umabot na sa ilang libong piso dahil sa paglakad lakad ng Sherif at masaklap pa po nito iniwan ng sherif yung kaso kasi napromote daw sya kaya ngayon magkakahearing nanaman sa september for motion. Ang problema ko po baket pabalik balik nalang sa motion ang hearing pero di na po makausad ang kaso. Ano po ba ang hakbang na gagawin ko, desperado na po ako dahil 3 yrs na ang kaso para sa maliit na halaga pero di pa din mabigyan ng solusyon. Pano po ang mga nagastos ko kay sherif na na panay hingi dati ng pera pero kinalaunan inabandona naman ang kaso? Please help me po. Please advise me kung ano po ang dapat gawin. Salamat po