Good day po sa lahat!
Gusto ko po i consult yung concern ko regarding sa anak ko po. I have a 10 months old son. Nasa ibang bansa po ako ngayon and gusto ko sana makita anak ko kahit Online chat lang. Mag 1 year na po anak ko and everytime na i request ng magulang ko po na mahiram ang anak ko para makita ko at iuwi sa bahay po namin, lagi na lang sinabi ng byenan ko na "hinde daw pwede at hinde pumayag yung nanay (asawa ko po)" or magdadahilan na lang po lagi. Mag 1 year na po sa kanila anak ko at ni once po ay hinde nahiram ng magulang ko para alagaan po nila although nabibisita naman po. Hinde na po maganda relationship namin ng byenan ko at ng asawa ko. Yung asawa ko po ay iniwan din ang anak ko sa nanay nya at nag abroad din po ng hinde po ako sinasabihan. Lagi po nila sinasabi nung time na inaayos ko pa po yung relationship namin para hinde magkaganito na "sa bata na lang daw po at wala na daw po kami pakialaman". Nag email po ako sa asawa ko at nakiusap na pagbigyan ako makita yung anak ko at iuwi sa bahay namin at ibabalik din naman pero hinde naman po nakikipag cooperate or sinasagot yung email ko. Humiling po sila ng sustento para sa bata pero nung gumawa naman po ako ng spousal agreement ay hinde naman po nya pinirmahan. Ano po kaya maganda kong gawin? Napapagod na po kasi ako na parang iniiwas nila yung anak ko sa akin at hinde ko po makita man lang ang anak ko. Hinde po sila nakikipag cooperate at basta ganun na lang po lagi sinasabi nila. Lahat po ginagawa ko para ma i save pa po sana relationship namin ng asawa. Nag initiate pa po ako ng counseling pero wala din po para sa kanya yun. Sana po mapayuhan nyo po ako.