I am an only child of my parents. They separate ways when I was still 2 to 3 years old because my dad has a mistress. My mom leave the house and my dad with my Titas (my dad's sisters) were the one who took care of me until the time that my dad was reassigned in another place.
When he was reassigned in Tubod, Lanao del Norte,4-6 months after they were separated, isinama po ako with his other woman (OW1). Araw-araw po, when my dad went to office, yung OW po ang nag-aalaga sa akin. Kaya lang, araw-araw din, pagpumupunta siya sa office ng dad ko, iniwan niya ako at kinukulong sa kusina with pagkain sa mesa. Until the time, na bumisita ang 2 sa mga Tita ko to ask for their allowance sa school. Kinuha po nila ako from my dad and iniwan sa panganay na kapatid ng dad ko in Iligan. From that moment on, napasa-pasa na lang ako kung kaninong kamag-anak hanggang sa maka-graduate ang 1 sa mga tita ko at nag-asawa. Doon na po ako lumaki sa kanila. They treated me like their own. Simula po ng mawalay ako sa dad ko, hindi na po ako nakareceived o pinadalhan ng financial support, kahit na nag-aaral ako at pag nagkakasakit ag may Titas will ask for assistance mula sa dad ko, he would say, "La akong pera eh, magpakulo na lang kayo ng malunggay at ipainom sa kanya, gagaling din yan." At nagkaroon po siya ng 2 anak sa babae niya.
Hanggang sa gumadraduate po ako ng college at nagkatrabaho. Naasign po ako sa Cebu of which, dito na rin nagpa-assign ang dad ko since 1986 yata. Akala ko, I would be able to feel the love of a father kasi magkalapit lang kami. Yes. Nagkikita kami dati pag weekends para mag-tennis with another woman (OW 2) na kinakasama niya pero he did not have a child dito. Nasa ibang bansa po si OW1 and working as Nurse.
Until the time na nag-aaway-away na sla ni OW2 kasi bumalik na si OW1. Everytime po na kumukulang ang budget ng dad ko, pambayad kuryente, renta sa bahay, etc., sa akin po siya nanghihiram. Promising that he will pay. By the way, suportado niya po financially ang mga anak niya kay OW1. Pero never have I received any payment from him. This continues kahit na nag-asawa ako.
Last year, nagretire na po siya sa serbisyo (He is a former policeman, a CPA and a lawyer). Hindi niya po maasikaso yung claims niya kasi la daw siya pang-finance. So, bilang anak, I volunteres to help. Nilakad ko po lahat ng papel na kakailanganin. Kinukuha ko siya ng plane tickets to Manila nung time na kailangan niya talaga pumunta. Halos lahat po ng gastos sa pag aasikaso akin. I wont be asking anything in return sana kasi sabi niya, meron daw sakit yung bunso niya at si OW1. Minsan, we talked. He said la pa daw siya plano sa makukuha niya. I suggested na i-negosyo niya para lumago kasi sayang. Tapos sabi niya, " I will give to you the ______, tapos inegosyo mo. Pero kaw na bahala sa mga Tita mo ha". I said yes. Again, pinaasa ako ng sarili kong ama. and again, umasa ako. I planned. I researched a good business na pwedeng makatulong sa pamilya ko at sa mga Tita ko. I religiously follow up his claim para mapadali. And the personnel in Crame texted me last Wednesday, August 25. She said,"Mam, ifoforward ko na po yung cheke sa PRO7 finance." Tapos, the next day, I texted my dad na pwede na niyang ifoforward dito Cebu. He replied, "Oki."... Friday, tinext ko ulit siya, sabi ko "Pa, nakuha mo na?" Hindi na siya nag-reply. Until yesterday, September 1, tumawag ako sa PRO7 finance, sabi nakuha niya na daw last August 27.
Ang mga issues ko po ay hindi lang tungkol sa pera. More than I know, anak din niya ako, pero bakit ni minsan hindi ko naramdaman. At nararamdaman ko lang kung meron siya kailangan na pera from me. Ni minsan, I never asked for anything. Pero parang sobrang pang-aabuso na.
My questions are:
1. I am 29 years old now, ano po pwede kong habol bilang legitimate child na eversince naghiwalay sila ng Mom ko, la talaga akong na-received from them financially, morally or spiritually?
2. Last January, nanghiram po ang dad ko sa akin ng money at nag-issue ng PDC, sabi wag ko daw ideposit yung cheque at wala daw dito yung may ari. Papalitan niya daw ng cash yun. pero until now, la pa rin akong narereceive. Nung dineposit ko po, tumalbog. Can I used this against him?
3. Sinanla niya po yung laptop niya sa akin ng 30K, kasi kailangan niya daw ng pera, kinuha niya po yung laptop at binayaran lang ako ng 10k, again, sunod na lang daw ang balance. This was last 2008 pa.
4. He was putting OW1 as his wife doon sa mga papeles niya. Pwede po ba eto kahit na hindi sila kinasal?
5. What can I charge against OW1 for the maltreatment when I was still a minor?
6. Gusto ko po sanang mabawi kahit man lang yung mga nagastos ko para sa pag asikaso ng claim niya. Kasi hindi naman niya tinupad yung snabi niya eh. The fact na hindi na naman niya sinasagot ang mga tawag at text ko. Siguro la na siyang balak na ibigay sa akin yung sinabi niya na para sa akin at sa mga Tita ko.
Sir, gusto ko lang po sana ng katarungan. Noong bata pa po ako, la namang pwedeng makipaglaban or magclaim ng right ko para sa akin. Ako ang legitimate child, pero parang ako yata ang dehado at binabalewala. Parang ako lagi ang nagpapasensiya at namamalimos ng pansin from my parents.
I really need your advice.
Maraming salamat po.