May affair ang aswa ko sa isang single mother. Di ko alm gano ktagal n sila, pero matagal ko na po itong naririnig sa mga kasamahan ng asawa ko sa trabaho. At may nakapagsabi na din sa kin na nakikita sila pumapasok at lumalabas ng motel.These past few months ang buong akala ko po ay ngtatrabaho pa din ang asawa ko kaya di umuuwi ng bahay. Huli ko na natuklasan na wala na pala sya trabaho. Ang sabi nya ayaw nya umuwi ng wala trabaho kaya nakikitira daw sya sa isang pinsan nya na di ko naman kilala at di ko rin alam san pupuntahan ang bahay. Nitong sabado ng gabi po ay umuwi ang asawa ko sa bahay at nagpilit din na umalis kinabukasan. Pinipigilan ko sya dahil wala naman sya trabaho pupuntahan, pero hindi ko po sya napigil. By the way dito po kmi sa batangas nakatira at ilang barangay lang ang layo sa haws ng babaeng ka affair nya. Natuklasan ko po na kasama nya pla umalis ang babaeng ka affair nya paluwas ng maynila. Engineer daw ang babaeng ito at nagtatrabaho sa makati.Sa pagtatanong tanong ko sa mga kaibigan ng asawa ko, may nkapagsabi sa akin ng pangalan at adress ng babae kaya pinuntahan ko ito at ipinaalam ko sa pamilya nya ang sitwasyon. Ang sabi po nila ay di nila ito kukunsintihin, pinauwi nila ang babae at knausap pero itinanggi daw nito ang relasyon sa asawa ko. Ang alam ko po ay nagsasama na sila sa maynila, at umuuwi lang ang aswa ko kapag umuuwi din dito sa batangas ang babae. Nung umalis po nitong huli ang asawa ko ay ngkaron muna kmi ng argumento at sinabi ko sa knya na alam ko na ang lahat ng tungkol sa kanila ng babae. Alam daw nya na guguluhin ko sila kaya umuuwi pa rin sya sa amin kahit papano. Ano po kaya ang pwede kong gawin para mghiwalay sila? Ano po kayang reklamo ang pwede kong isampa sa babae at sa asawa ko? Pls. po tulungan nyo ako.
Last edited by mohandas ghandi on Wed Aug 07, 2013 11:04 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : wrong spelling)