Ask ko lang po kung pwede po na ako ang mag-asikaso ng lifting ng HDo ng kapatid ko, nasa abroad po kasi siya pero yun case po nya ay nadismiss na po, may finality na din po na order ang court.
DOJ po ang nag-issue ng HDO nya at naka alis po sya ng Pilipinas last year sa bisa po ng ADO.
Nasa abroad pa din po sya hanggang ngayon, gusto po sana nya na bago sya umuwi ay maipalift na po ang HDO nya since nadismiss naman na po ang case.
Pinapayagan po ba sa batas na kapatid ang mag-ayos ng lifting ng HDO? Anu-ano po ang mga kailangan kong igayak na dokumento?
Maraming salamat po.