Isang kilalang malaking kumpanya po sa real estate ng Makati ang pinagbilhan ko po ng house and lot sa Laguna.
Problema ko po ay mali ang pag construct ng dalawang unit na binili ko nuong 2010.
This year po sana ang acceptance pero Hold ko muna dahil sa issue ko po ay sa pag structure ng dalawang bahay.
Hindi ko pa rin pinirmahan ang CTS and DOS.
Pinagpapasa-pasahan po ako ng International Sales nila at hindi sila nagre-reply sa email ko.
Sinasabi ng in-charge sa project ng subdivision na wala silang makitang mali sa pag construct pero ang napagka sunduan namin ng nasa sales specialist ay iba.
Ako po ay OFW kaya ndi ko sila mapuntahan sa
opisina nila sa Makati.
Ayaw ko pong bitiwan ang unit dahil maganda ang location at malapit sa work place ng kapatid ko.
Puede ko ba silang idemanda? Nang hihingi ako ng compensation sa pag sira ng requirements ko pero isang lingo na ndi sila nagrereply sa email ko at kung tawagan ko naman sinasabi laging sinasagot sa akin ay nasa meeting sila. Pipirmahan ko lang ang acceptance kung gagawin nila ang demand ko sa 2 unit.
Sana mabigyan nyo po ako ng advice dahil hard-earned money po ang nakataya dito.
Maraming salamat