-nais ko lang po humingi ng payo sa inyo hinggil sa pagkakakulong ng aking ina . siya po ay nahatulan ng 1 year 8 months ngunit sya po ay hindi pa rin nakakalaya hanggang ngayon dahil sa pagsusumite ng kanyang abogado ng apila sa court of appeal magdadalawang taon na po ang nakakalipas. Napakatagal po ba talaga magkaron ng desisyon ang court of appeal? kasi over detention na po kung tutuusin ang aking ina. nakapiit po sya ngaun sa CIW mandaluyong. Ang kaso ay nagmula pa sa masbate city duon sya nakulong mula nang bumaba ang hatol ng korte sa kinaharap nyang kasong estafa na gawa gawa lang ng mga kmag anak nyang may koneksyon sa pulitiko . gawa gawa lang ang isinampang kaso sa aking ina na sa pagaakala nila ay madadaan sa aregluhan o pera perahan ang labanan, ngunit ang aking ina ay lumaban sa abot ng kanyang kakayanan. Dahil walang matibay na ebidensya ang complainant, malakas ang loob ni mama na magpatuloy dahil nga naman sa kadahilanang wala nman syang kinalaman sa estafang ibinintang sa kanya. At may katanungan pa po ako? pwede po ba bawiin ang apila sa korte? panu kung hindi ma acquit? hahaba pa ba ang itatagal nia sa piitan?
Sana po ay makapagbigay po kayo ng payo hinggil sa aking hinaing.
Maraming Salamat po .
Last edited by neslynboaquina on Sun Jul 21, 2013 5:04 am; edited 2 times in total (Reason for editing : confidential)