hi atty, isasangguni ko lang po sa inio ang kaso na ito. ako po ay inabandona ng tatay ko sa nanay ko. kasal po sila, 26 y/o na po ako ngayon.. matagal na panahon hinanap po namin ang tatay ko pero sadya po ata talagang kapag nagtatago hindi mo makikita. nang kamakailan po ay may nakapag bigay sa amin ng address at info tungkol sa kanya, nagulat ako ng aking pasadahan sa tinutuluyan nia, may asawa at anak na po sia doon. at ng icheck po namin ang isa sa properties nila ng nanay ko ay naibenta na nia ng walang pirma ng nanay ko. matagal na po silang hiwalay pero ang nanay ko po ay di lumipat ng tirahan, dun pa din sia nakatira sa bahay nila, ang tatay ko po nagpakalayo layo at nagtago.. di ko po alam kung sa tagal at nakapagpaksal na sila massabi pa bang lehitimo ang kasal nila. at kung magfafile po ako, san ako magsisimula. di ko po alam ang gagawin, kung saan ako kukonsulta. wala po kaming pera at tanging habol lang namin ay hustisya sa ginawa sa amin ng tatay ko pati sa mga ariarian na naibenta nia ng walang pahintulot ng nanay ko. mraming salamat po sa tugon ninyo. san ako dapat magsimula??