Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Awarded Rights Sa Anak,Isinangla ng Nanay sa Pamangkin

Go down  Message [Page 1 of 1]

petite32


Arresto Menor

[b[/b]Good Evening po,
Gusto ko lang po sana huminge ng legal advice regarding sa rights na isinangla sa akin ng tyahin ko. Sa pinsan ko po nakapangalan ang award, bale previously na  rin po ito isinangla ng tyahin ko sa other cousin ko,then last 2009,pinasalo nya sa akin ang sangla sa amount na one hundred twenty thousand pesos ( 120,000.00), sangla -tira, 36 sq. meters.Cash ko po na binigay yung pera,nakasaad po sa contrata na walang remate at lahat ng expenses sa pagpapagawa ay ibabalik ng nagsangla ayon sa nakasaad sa resibo,bale sangla-tira po. Then,naghinge po ng additional na dagdag sa sangla ang tyahin ko mga tatlong beses,hanggang sa sinabi nya na sa amin ng partner ko na binibinta nya na sa amin ang "rights" sa halagang four hundred thousand pesos (400,000.00).Sinabi nya sa amin sa amount na yun sya na bahala magbayad ng hulugan sa NGC. Last April 2013, nagbigay kami uli ng sixty thousand pesos (60,000.00).Then pinakita ko sa kanya ang lahat ng resibo sa pagpapagawa at binigyan ko din sya ng kopya,tinotal namin lahat ng perang nabigay sa kanya plus yung sa pagpapagawa,umabot ng three hundred four  thousand pesos ( 304,000.00) bale ang balance na lang namin sa kanya is ninety six thousand pesos ( 96,000.00) which is pinagkasunduan na magbibigay kami uli sa kanya ng dalawang beses, month of July and March. But then sinabi sa akin ng neighborhood ko na may pinadala daw na notice ang NGC, on the name of my cousin,kaya isinama ko ang pinsan ko sa office ng NGC para alamin kong nababayad nga ang tyahin ko sa quarterly na hulugan. Dun sa office ng NGC na confirm namin wala nga hulog ang account name ng cousin ko since 2010,at dun ko din po nalaman na ang naka award lng pala sa cousin ko ay 4 sq.  lang, underprocess pa yung 32 sq. meter at naka depend pa sa president ng NGC kong ibibigay ba nito ang nakarelocate sa kanya na 32 sq. meter. Umabot na din sa five thousand plus ang babayaran ng cousin ko sa 4 sq. meters na yun coz of penalties. At kailangan nya na ma settled yung account nya otherwise makakansel ang award nya. Sabi din po ng NGC staff pwede kami kasuhan ng cousin ko dahil tinanggap ko ang sangla ng tyahin
Ano po ang dapat kong gawin to settle this matter legally?
Dapat ko pa ba ibigay sa tyahin ko ang napagkasunduang pera this July? Verbal lng po ang kasunduan namin.

Ano po ang legal action na pwede ko gawin in case mag refuse ang tyahin ko na tubusin ang sangla at ibigay ang pera ko ng buo?
Dapat pa ba ako magbitiw ng pera para sa 5,000.00 na dapat bayaran sa NGC?
Ano po ang legal action na pwede ko gawin in case ipasa na naman sa ibang tao ang sangla ng tyahin ko? kasi po may agent nagsabi sa akin na sinasangla uli ng tyahin ko sa client nya ang bahay sa amount na 250,000.00.

Please help,di na po ako makatulog sa kakaisip kong ano dapat kong gawin,sa Monday ( July 15,2013)   na po yung deadline ng payment na 5k,then if di mabayaran another penalties na naman po.
Salamat po ng advance sa makakasagot sa mga katanungan ko.



Last edited by petite32 on Fri Jul 05, 2013 1:29 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : change title font size and color)

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum