Kaylangan ko po ng legal advice regarding sa situation ko ngayon. Para po mapaikli po ang explanation ko, share ko po itong link na ito kahit na nakakahiya man aminin na ako po ang tinutukoy sa electronic newspaper na yan, evmailnews.com/wife-records-husband%E2%80%99s-physical-and-sexual-abuse-files-case/
My ex husband is a pure Filipino but American Citizen na sya mula nung bata pa sya at tubong Ormoc po ang buong angkan nya kaya nasa Ormoc City po ako noong nagsasama pa kame. Umalis sya ng bansa at tumakas sa obligasyon nya noong hindi ako pumayag na makipag settle sa kanya at tinuloy ko pa din ang kaso hanggang sa lumasa na nga ang mga warrat of arrest laban sa kanya. Pero mas ginusto ko na din na nasa malayo sya para hindi na nya na kame magulo ng mga anak ko at nagsumikap akong makaraos hanggang ngayon dahil hindi pa din alam kung pano ako makaka-demand ng support sa kanya dahil nga U.S base sya.
Anyway, ang gusto ko lang naman po mangyari ngayon eh maging NULL ang kasal namen. Nagfile po ng DIVORCE and ex husband ko at nung lumabas yung divorce decree, dun ko na lang nalaman na nag file pala sya. May copy ako ng divorce decree namen (pdf file) dahil humingi ako ng tulong sa clerk of court sa States through email lang. May nabasa po ako sa Family Code Article 26, yung Recognition of Foreign Divorce. Pwede ko po kaya sya i-file in relation sa RA 9262 na existing case sa Court of Ormoc City? Pwede kayang PAO pa din ang humawak ng case if ever (PAO po kasi ang humahawak ng case ko sa Ormoc) dahil wala naman po talagang akong maayos na trabaho at ako po ang sumusoporta sa dalawang anak ko. Kaso wala na po ako sa Ormoc ngayon. Ang main reason ko po kaya gusto kong ma-Null talaga ang marriage namen dahil hanggang ngayon eh nanggugulo pa din po sya at marami na po syang nagawang kasalanan sa family ko, till now hindi pa din sya tumitigil dahil gusto nya magkabalikan kame.
Umaasa po akong mabibigyan nyo ng pansin ang message kong ito at para matulongan nyo ang magulong isipan ko. Salamat po ng marami.