Pasensya na po medyo mahaba ang kwento pero para po klaro, nag garantor po ako sa utang ng mother ko at ng isa kong kapatid and sa taong ito may utang din po akong 24,000 ang mother ko ay 24,000 at ang sister ko ay 11,000 may interest po ito monthly na 15% then lately di na po makabayad ang mother ko nagkasakit po at di na makapag hanap buhay ang kapatid ko naman ay nabankrupt ang tindahan ang nangyari po ay di na sila makapagbayad at ako ang pinagbabayad ng hiniraman namin since ako po ang garantor. Ang sa mother ko po ay umabot ng 47,000 nabayran ko na po ito nung 2007 ang problema po ay pina-una nyang bayaran ang sa mother ko kaya ang nangyari yun pong sa akin na 24,000 at sa sister ko na 11,000 ay umabot ng 78,000 tinubuan nya po ng 10% na lang daw basta bayaran ko daw po lahat hirap na po kasi ako at nakaka 53,000 na po ako ng bayad para sa 78,000 pero gusto po ay talagang tapusin ko lahat hirap na po ako talaga 5 years na po akong nagbabayad sa kanya ano po kaya ang dapat kong gawin sana po ay mapagpayuhan niyo ako marami pong salamat. God bless....