Ask lang po ako legal advice. Meron akong 7+ yrs old illeg daughter with my ex partner. Nung nag hiwalay po kami napunta po sa kanya yung bata since sa batas nga po e illeg child is dapat nasa custody ng mom. But before our daughter turned 1 yr old, iniwan po nya sa yaya yung anak namin at lumayas po sa bahay nila at sumama sa bagong partner nya. that same day e tumawag po sa akin yung brother nya at sinabi nga pong lumayas na ang ate nya at iniwan ang anak namin sa yaya kaya kunin ko na daw po dahil kawawa naman. So that same day kinuha ko na po yung anak namin and kinausap ko po yung mother ng ex partner ko, nag paalam po ako ng maayos at sinabi ko pong kukunin ko na yung anak namin at if ever po na bumalik yung anak nya e hindi ko na po ibabalik yung daughter namin since kaya nmn po nyang iwan lang na parang tuta yung anak namin. Pumayag naman po sya at humingi ng paumanhin sa nagawang pag iwan ng anak nya sa anak namin. eversince nasa akin na po yung custody ng anak namin. now im married. And may plan po kaming mag migrate ng wife ko sa aus, and syempre po isasama ko yung illeg na anak ko. Now ang problem ko po is yung mga docs na need ng bata for permanent residency visa application. Need pa po kasi ng consent ng bio mother nung bata, nacontact ko na po siya kaso po ayaw pong makicoordinate ng mother. Gusto ko na nga po sanang kumuha or mag apply ng court order for child custody/parental authority over our daughter. Malakas po ba ang kaso ko laban sa nanay? Since for me abandonment and neglect naman po yung ginawa nya sa anak namin. May chance po ba ako manalo sa case kahit na illeg yung bata? Mga gaano po kaya tatagal yung kaso or yung decision ng court if ever ganun po gagawin ko and ng wife ko??
And by the way po mga atty. yung mother ng illeg daughter ko is meron pang naunang anak before sa anak namin na iniwan din nya sa tatay. And now may bago din po ulit syang anak na iniwan din po ulit sa tatay. So bali 3 anak na po sa ibat ibat lalaki ang meron sya pero lahat po ng mga anak nya is nasa aming mga tatay.
Ano po ang laban ko?? Meron po ba??
Please help po. Eto lang po kasi ang hindrance sa pag alis at migrate naming mag anak.