Ask ko lang po sana kung ano possible solution ko for this. Hiwalay na kami ng asawa ko, for almost three years, may anak kami mag 7years old na, tapos nung naghiwalay kami buntis siya non sa pangalawa, pero hindi ko alam wala ako amor sa baby kahit nung nakita ko na, at dami nagsasabi na parang iba itsura baby, duda din ako kasi galing siya Laguna that time. Nasa abroad ako ngayon, at sustento na lang para sa anak ko ang binibigay ko, kaso nammroblema ako kasi lahat gusto niya sa akin iasa, ayaw nya pa magtrabaho, gusto saken iasa lahat ng gastos nila, dahilan niya may maliit pa siyang anak kaya hindi siya makapag work, pero madami naman siya kamag anak na kasama na pwede mag alaga, kahit nung magkasama pa lang kami noon ay madami na talaga nakakapansin sa katamaran niya, hindi lang magtrabaho, kundi sa gawaing bahay na din. Dati ay nagpabarangay pa siya nung naghiwalay na kami dahil natakot na hindi siya bigyan ng pera gusto niya sakanya mapunta lahat ng sahod ko at wala daw siya pakelam kahit wala na kong kainin. Ngayon nammroblema ako dahil lahat ng gastusin niya gusto saken iasa pano pag nawalan ako ng trabaho, kilala ko kasi siya humawak ng pera kaya natatakot ako magbigay, kaya yung sapat lang para sa anak ko, nagtataka din ako pag nagdedemand sya ng pera ang lagi niya lang binabanggit ay yung para sa panganay, hindi siya nag dedemand para sa bunso na kung tutuusin mas magastos, napapaisip tuloy kami lalo kung akin ba talaga yun, alam niyang wala akong amor don sa bata kaya napapaisip ako na baka kaya hind niya ito binabanggit at pinanghihingi saken ay baka mas lalo kong ungkatin.
Ano po kaya ang maaari kong gawin?
Salamat po.