Sana matulungan nyo po ako sa case ng kapatid ko or if you have any idea na pwede nyo po maishare samin.
Nabuntis ng kapatid kong lalaki yung girlfriend nya nung 17y/o sya (18 ung babae) so di pa sila pwede ipakasal, nakapangalan din sa babae ang pamangkin ko. Ang gusto po sana namin mangyari ay wag muna pagsamahin sa isang bahay ung kapatid ko at yung girl friend nya dahil nagaaral pa po ang kapatid ko. pero pinangako po namin na susustentuhan naman namin yung magina, wag lang muna sila pagsamahin sa isang bubong. pero they insisted na samin tumira yung babae habang nagbubuntis sya at un nga po ang nangyare. simula ng nagbubuntis sya hanggang last week, 19mos na yung anak nila, ay samin sya nakatira.
sa loob ng 2 years mahigit, walang araw na hindi sila nagaaway hanggang sa last week ay halos magkasakitan na sila, so we decided na ihatid na sa magulang nya yung babae at paghiwalayin na sila bago pa lumalala ang sitwasyon, they both agree sa paghihiwalay na un.
simula ng magbuntis sya hanggang sa araw na ito, hindi kami pumalya sa pagsustento sa bata, as in lahat lahat. check ups nung buntis xa hanggang sa panganganak nya, gatas, diapers at lahat lahat kami ang gumagastos. kahit isang kusing ay walang ginastos ang girlfirnd nya o kahit ang pamilya nito.
ngaun na hiwalay na sila ng kapatid ko, hindi pa din kami magbabago at patuloy namin susuportahan ang bata pero eto naman ang demand nila, ikuha namin sila ng apartment na matitirhan, sya at ung bata dahil ayaw nyang tumira sa magulang nya or kahit sino sa 10 nyang kapatid dahil nakakahiya daw, just for that reason na nakakahiya at paguusapan daw sila ng kapitbahay nila.
tama pa po ba na magdemand siya na magprovide kami ng bahay para sa kanya at sa bata kahit meron naman siyang matutuluyang magulang at mga kapatid? hindi po ba kalabisan na un dahil kung tutuusin ay equal responsibility dapat sila sa bata, hindi lang po puro kami.
parang sobra na po ito sa palagay namin dahil una sa lahat ay hiwalay na naman sila ng kapatid ko at di naman sila kasal. pero kahit ganun na hiwalay sila ay hindi namin tatakbuhan ang responsibilidad sa bata. parang kalabisan lang na gusto pa nilang humingi ng bahay na matitirhan kahit na may magulang naman siya at mga kapatid na pwedeng puntahan. hindi po katanggap tanggap ang reason nyang nakakahiya daw na sila ay makitira at paguusapan sila ng mga kapitbahay. parang personal na kagustuhan na lang ito ng babae at wala ng koneksyon sa "sustento" na kung tutuusin ay hindi naman po kami nagkulang.
sana po ay matulungan nyo kami sa sitwasyon namin.
salamat po.