para maintindihan nyo ako, nag rerepair kasi kami ng mga printer, minsan ng nagkawalaan ang mga parts ng nirerepair ko. at wala umaamin kong sino ang kumuha. hindi lang yun, maliit na pagkakamali ko report kaagad sila sa office namin, samantalang kong sila pinag uusapan lang nila paano e resulba na hindi nalalaman sa office. lalo na sa repairs.
hindi ko na kinaya ang inis at galit sa mga taong walang ibang objective kundi ang paalisin ako kaya nag resign nalang ako. kasi pauli-ulit na din kaming magkasagutan ng kasama kong nagpapalapad ng papel sa office.
sa madaling salita naramdaman kong dihado ako palagi sa trabaho ko kaya minabuti kong mag resign nalang talaga, actually second resignation ko na to. nung una hindi pumayag yung boss ko na mag resign ako.
hindi na ako pumasok kasabay nang pag submit ko ng resignation sa araw na ito kasi ayaw ko na din madag dagan pa ang personal namin na alitan sa mga ka trabaho ko. pero hanggan ngayon, mag alas 9:55 na ng gabi hindi pa rin tumawag boss ko.
mga katanongan
1. maari ko pa bang habolin yung mga benefits na hindi naibigay ng company tulad ng SSS, Phil Health, Overtime pay?
2. Sa batas ba kailangan pang may advance notice prior to resignation kahit walang contract/agreement? ilang araw ba dapat?
3. anong dapat kong gawin ngayon na hindi pa nag rereply ang boss ko sa pag resign ko? nag email at nag text po ako wala pong reply. kailangan ko bang pumasok talaga?