Good afternoon Fannie,
Kung ang tatay mo lang ang anak, dapat mong gawin ang legal process
to transfer the Land Title to your father's name, as inheritance:
Transfer of Real Estate Property - By Inheritance
_________________________________________________
A. Execute Extrajudicial Settlement or
Affidavit of Self-Adjudication
(Kung ang tatay mo walang kapatid, yung Affidavit of Self-Adjudication
ang kailangan).
B. Filing of Estate Tax Return - sa BIR
Payment of Estate Tax Return
(kung gusto mong malaman ang babayaran mo, meron itong computation)
(Magtanong lang ikaw at I can guide you).
After filing and payment of Estate Tax, if any, ibibigay sayo nang
BIR and Certificate Authorizing Registration (CAR).
C. Transfer of Land Title to your father's name.
Dalhin mo ang CAR at iba pang mga document (that you filed with BIR)
sa Municipal Assessor's Office para magbayad nang Transfer Taxes.
After payment of Transfer Taxes with the Assessor's Office, dalhin mo
na sa Register of Deeds para ilipat ang Land Title sa pangalan nang
father mo.
Siguraduhin mo na rin sa Assessor's Office ang paglipat sa pangalan
nang tatay mo ang Tax Declaration.
D. This is the same legal process na gagawin mo sa paglipat nang
Land Title sa pangalan mo.
Sundan mo ulit ang A, B and C.
Please feel free to ask again, tungkol sa concern mo.