Ngayon po ay kinakasuhan ng kaibigan ko ang aming recruiter at isinasama po nya ako sa demanda dahil accessory po raw ako. Marami po kasing kakilala ang asawa ng kaibigan ko kaya madali lang sa kanila ang magsampa ng kaso. Ang huling sabi po nya sa akin ay nasa NBI na daw po ang kaso at may hold departure order po ako. Hindi daw po ako pwedeng umalis. Ang tanong ko po ay ano pong kaso ang pwede nyang isampa sa amin? Maraming salamat po.