t
ako c kei 25 taon gulang,kasal sa hapon may isang anak sa hapon.
1 taon mahigit na din kaming hiwalay pero kasal parin.
nasa pangangalaga nya ang anak ko dahil ayaw nya ibigay sa akin ang bata.
nagka bf ako at siya ang ama ng ipinagbubuntis ko ngaun.
nasa japan kami parehas at pilipino ang bf ko.
ayon sa bilang ko 1 buwan na ang tiyan ko hindi rin ako makapag pacheck up dahil hindi alam ng hapon na may bf ako at buntis ako kaya itinatago ko ito.
plano ko ay uuwi akong pinas pag 4 months na ang tiyan ko, dun ko ipapanganak si baby. ang problema ko pa ay kakailangan ko pa ba humingi ng permit sa doctor na pede ako sumakay ng eroplano gayung 4 months pa lang ang tiyan ko.
then pag ka panganak ko sa pinas hindi ko din alam kung ano ang ilalagay ko sa birthcertificate ni baby.
dahil after ko manganak babalik ako ng japan para makipaghiwalay na sa hapon. permanent na din ako sa japan pero ayaw sa akin ibigay ng hapon ang anak ko kaya di ako makapirma sa divorce namin..
sana po tulungan nyo ko...
wala na po akong ibang malapitan dto dahil lihim lang ang pagbubuntis ko.
tama po ba na ilalagay sa birth certificate ni baby ay
pangalan ko noon ako ay single?
name ng tunay na tatay
second child ko ang bata.
at separeted na kami ng hapon?
hahanapan ba nila ako ng papeles na nagpapatunay na hiwalay na kami ng hapon?
maraming salamat po....