Maari nyo po bang ipaliwanag sa akin ito, particulary ang tamang kahulugan ng "residency"?
This Application is for any registered voter who has transferred residence from another HUC district, from another city or from another municipality at least six (6) months before Election Day
Eto po ang ilan pa sa aking mga katanungan:
1. Kailangan po bang ang transferee ay may sariling lupa o bahay sa lugar na kanyang lilipatan?
2. Sapat na po ba na ang transferee ay constantly umuuwi sa lugar na lilipatan, let's say once or twice in every quarter (ito po ay constantly nangyayari sa loob ng 5 years), at tumutuloy sa bahay ng isang kaibigan o girlfriend/boyfriend?
3. Kung hindi naman po requirement ang pagkakaroon ng bahay at lupa sa lugar na lilipatan, nangangahulugan po ba na ang transferee ay malayang pumili ng lugar na lilipatan provided makapagrehistro sya 6 months prior to Election Day?
Marami pong salamat sa oras na ilalaan ninyo sa pagsagot ng aking katanungan. Natulungan nyo na po ako minsan, umaasa po akong matutulungan ninyo akong muli.
God bless po.