May kaibigan ho ako na kapareho kong nasa IT field (mga programmer ho kami). May inapplyan sya dati na isang IT company (tawagin na lang nating company A) at para daw interviewhin sya, kailangan nyang pumirma ng isang kontrata na nagsasabing iha hire sya (ni company A) kapag nakapasa sya sa client interview. Pumirma naman ho sya.
Lumipas ho ang kulang kulang isang bwan, at walang naging balita ang kaibigan ko kay company A. Nag apply sya sa ibang IT company (tawagin nating company B), at swerte namang natanggap sya nito. Ngayon po ay pumapasok na ang kaibigan ko sa company B.
Kahapon po, biglang tumawag sakanya si company A, at sinabi sakanya na nakapasa daw sya sa client interview nila, at, gaya ng nakasaad daw sa kontratang pinirmahan nya, iha hire sya nila. Sinabi ho ng kaibigan ko na may ibang trabaho na sya. Dito po nagsimulang manakot ang company A na idedemanda daw sya for breach of contract, at maaaring umabot daw ng Php500,000 ang penalty nya.
US-based ho si company A at siguradong may pera pang demanda. Ang tanong ko po ngayon, may laban ho ba ang kaibigan ko kung sakaling idemanda nga sya?
Maraming salamat po.