Please help me with my problem..
Ganito kasi un last year nagsuggest ung close friend ko
na mamuhunan ako sa bigas..
Sabi niya kikita ako ng 25% every 3 months at makatulong
sa pagpapagamot ko kasi in remission ako..
At sabi niya gamitin lang daw niya ng 1 year kasi bale reserba ko iyon para me magamit ako kung(knock on wood)
babalik yong cancer ng liver ko..
Sa madaling salita nasa kanya ung pera at nabigyan naman ako ng 16k sa loob ng 1 yr..Ngayon kinukuha ko na ung pera hindi na siya sumasagot sa tawag ko..
Me mga resibo ako at na pinadalhan ko siya ng pera at me mga text messages siya na nagpromised na babayaran niya ako pero di ko na siya makontak..
Pwede ko kaya siya kasuhan Atty?
Taga Davao po siya at taga cebu naman ako..
Kung kakasuhan ko siya dapat ba na pupuntahan ko siya sa Davao?
Ano po ba ang ikakaso ko sa kanya?
Sana mapayuhan nyo ako atty kasi naiistress po ako..
Thank you po sa advice..