Scenario:
1.Yung lola ko po meron po syang bahay at lupa na na acquired po nya since noong dalaga pa po sya..
2. Nag asawa po yung lola ko,kinasal at nagkaroon ng dalawang anak -- mother ko at tita ko.
3. Noong namatay yung asawa ng lola ko, nagsama po sila ng step lolo ko at pagkatapos ng ilang taon saka nagpakasal.
4. Yung step lolo ko po, may 3 anak na po sya bago pa nya nakilala, nakisama at nagpakasal sa lola ko.
5.namatay na po yung lola ko, pati po yung step lolo ko pero yung mga anak ng step lolo ko naghahabol po sa lupa at bahay.
Questions:
1. May rights po ba yung mga anak ng steplolo ko? If meron ano po ang rights and limitation nila sa naiwanan na property ng lola ko?
2.Matagal na po na hindi nabayaran yung amilyar ng bahay, totoo po ba yung sinasabi ng real state broker na pwedeng mailit ng gobyerno yung bahay lalo na po na hindi namin napapalitan yung name ng owner sa land title (name pa rin po ng lola ko sa pagkadalaga)?
3. Ano po bang pwede namin gawin tungkol sa isyu na to? Napapagod na po kami sa ginagawa ng mga anak ng step lolo ko.
salamat po. God bless po.