Hi po sa inyo, sana po matulungan nyo ako, before po kasi namatay yung parents ko, meron na po kaming dalawang bahay, nung namatay po sila, which is minor pa kami ng nakababatang kapatid ko, napunta nayun lahat ng lupain sa kuya ko kasi di pa pwedeng ipangalan sa amin kase nga minor pa kmi nun, ngayon po, may dalawang anak na sya at nakatira kami lahat sa isang bahay, pinauupahan naman po yung isang bahay at sa kanaya lahat ng kita doon, ngayon po gusto ko na sana mag separate na kami sa kanya dahil may pamilya na sya, eh ayaw na nya po lumipat dun sa pinauupahang bahay dahil lahat daw po ng lupain eh sa kanya na, alam po lahat ng kapit bahay namin na para saamin ng bunsong kapatid ko itong tinitirhan namin ngayon, nag waive na rin po sya ng rights sa bahay duon sa brgy kasi nagkainitan po kami at sinuntok nya ako kaya nagbrgyan kami at ayon sa napagusapan sa brgy ay dapat lumipat na sila after a year pero lagpas isang taon na po eh wala pa rin. Kahit po ako na ang nagbabayad ng monthly mortgage sa NHA at nag waive na sya, eh ayaw pa rin po nyang lumipat .. ano po bang pwedeng gawin ko in this case? Hindi ko pa rin po na process yung transfer of ownership sa NHA kasi wala pong oras at call center agent po ako .. please advise po kng anong pwede kong gawin para makalipat na sila.