Sir, nag iisa lang po akong anak at jr pa sa pangalawang asawa ng aking ina, siya po ay widow sa una nyang aswa na may tatlong anak nang mapangasawa nya ang aking ama.ang father kopo ay isang military at nasa active duty naang siya ay mamatay sa isang aksidente..Gamit kopo ang apilyedo ng aking Ama, samantalang yong tatlong anak ng aking Ina sa unang asawa ay gamit nila ang apilyedo ng kanilang Ama. at wala silang na acquire na property mula sa unang asawa ng aking Ina....Sa pag kamatay ng aking Ama, ay nakuha po lahat ng aking Ina ang mga benipisyo bilang isang military,pati narin ang insurance for my educational well being sa pamamagitan ng Special power of Atty. na at that time i was only 9 years old...gamit ang pera na na claim ng aking Ina..Siya ay naka kuha ng lote at binayaran ang right nito, at nagpatayo ng bahay dito , 1981 ay na e award ito ng gobyerno...bago namantay ang aking Ina nagpagawa siya ng Weaver of transper of right approved by the barangay chairman at notarized by legal atty. ito po ay na e transper sa pangalan ko...sa ngayon po ay may land title na at ito nga ay nasa pangalan ko ang buong kabuohan ng property.
Nais kolang po malaman, kung may karapatan ba ang tatlong anak ng aking Ina sa una nyang asawa...at kung meron man papano ba ang ilan portion ba ng property ang dapat maibahagi sa kanila?...at ilan portion naman ang dapat mapunta saakin...ako po lahat ang nagbabayad ng amelyar....at wala silang share na pera sa pagbili o pag construct sa ipinatayong bahay sa lote.
Sana po mabigyan nyo ako nang tamang kasagutan