hi gud day, gusto ko po huminigi ng advice sa inyo since gulong gulo n po ang isip ko,nakilala ko ang bf ko at nagkaanak kami kaya lng po eh , nagpangap siya na binata eversince n naging kami, pinakilala p nman niya ako sa family nya at sinabi ng mga kapatid nya na talagang binata siya. then nag abroad po siya, after ng vacation nya dito hndi sya umuwi sa akin, and i found out n may asawa n pala siya at kasal dito since 1999, ang tanong ko po eh, may anak kami at pumirma at iniacknowledge nya ang anak namin sa birth certificate. sinabi din niya na driver lng siya sa saudi at 10k lng ang sinasahod niya, kaya pumayag ako sa sustento niya na 5000 a month, then this month lng after checking sa poea i found out n isa pala siyang engineer at nasa 50,000 ang sahod nya monthly, ngaun po gusto ko po mag file ng petition for support para sa anak namin, at may nakapag sabi sa akin na dpat eh RA 9262 n lng kc nga economic violence ang ginawa nya sa akin, gusto ko ng sapat na sustento para sa anak namin dahil kulang n kulang para sa 11 month old n baby na nag gagatas pa. Pwede po ba ito. May nakapag sabi po sa akin n pwede din ako kasuhan ng asawa niya ng concubinage, kc pumatol ako sa kanya, pero totaly at in good faith po ako n wala akong alam n may asawa n siya kc nga po niloko talaga ako. Ngaun po pala ay nasa saudi siya paano po ako makakapag sampa ng kaso laban sa kanya. Sana po masagot at matulungan ninyo ako sa problema ko. More power!