good afternoon atty. may itatanong lang po ako . nakaaway ko po kasi yung nangungupahan sa nanay ko dahil sinabihan nya si nanay na isusubsob sa electric bill, nalalakihan po kasi sila sa electric bill nila, kinompronta ko po sya, minura nya po ako. tapos umuwi na ako sa mama. sumunod po yung babae, at nagwawala sa labas ng bahay namen, kasama yng ate nya. sa galit ko po, sinabihan ko sya na "kala mo hindi kita kayang patayin dito ngayon?" sabe nea saken "go ahead " pero wala naman po nangyaring sakitan. umalis po yung babae. tas mamaya maya sinusundo na ako ng baranggay. pinabaranggay nya ako. dahil sa galit. kasi insulto na po yun saken, nasaktan ko po yung babae. sinampal ko sya.. tas nagkasampalan kami sa brgy outpost (depressed po ako that time dahil 2weeks pa lang po ako nakakalabas sa ospital, dahil sa stillbirth.) pati po ate ko nadamay dahil kasama po yung ate nung babae. na pinagmumumura si nanay at ako. nagkagulo na sa baranggay non. siguro dahil na din po ako nag umpisa ng away. naging one sided yng brgy. namin. may temporary medico legal po yung babae. at nagsampa na po ng demanda. hindi ko po alam kung ano ang dapat gawin. gusto ko po sana matapos na to kaya lang ayaw nya ng settlement. gusto nya ako makulong, lumayas po sila sa boarding house ni nanay, nag vandal sila sa dingding, "ang kakapal ng mukha nyo" yun po ang nakalagay. sa dingding. hindi na din po sila nagbayad sa bahay, electric and water bill nila. kung lalaban po ba ako ng kontra demanda. may chance po ba ako?