Good am po atty. Ask lang po sana ako if what will happen pag sa 2nd meeting sa barangay ay hindi na po ako mag appear kasi yung complainant po ay ayaw daw talaga magpa settle. Ito po yung story "Naglaro ng basketball ang kapatid ko. Then yung kalaban ay sobrang dumi kung maglaro hanggang sa muntik ng mabali ang kamay ng kapatid ko..so sabi ng kuya ko na "laro pa ba ito? pero sumagot sila na "acting lang yan". So nagalit po ako at sinuntok ko once yung nakasakit sa kapatid ko. Then after that pinagtulungan po ako ng kabilang players pero hindi po ako natamaan talaga kasi yung kapatid ko na player ay humarang..siya po ang nagkaroon ng contusion sa ulo at pasa sa katawan. Ngayon po ang sabi ng complainant nung nagharap kami sa purok chairman ay natanggal po daw ang kanyang ngipin so nag offer ako na bayaran lahat gastos nila sa pagpapagamot at yung ngipin ay papalitan namin. Pero nagdemand po sila na bayaran yung income nila for 7 days na 6,000/day kasi hindi daw siya nakapagtinda dahil masakit daw ngipin niya at isasali pa niya utang niya daw na binabayaran niya daily na 500/day. kami daw magbayad dun. so hindi po kami pumayag kaya umabot po sa brgy. pagdating sa brgy yung medical pala niya is hindi pala sya natanggalan ng ngipin..so nagsinungaling po talaga sya and ayaw na naman niya makipag settle. ayoko na po mag attend ng hearing sa brgy. at hihintayin ko nalang na i-file sa korte ang case.. ang tanong ko po 1. dehado po ba ako sa kaso na ito? 2. ano po ba ang i-counter charge sa kanila? 3. dapat ko ba talagang bayaran yung hinihingi nila? 4. makasasama po ba ang hindi ko na pag attend sa brgy hearing? Salamat po talaga sa tulong. I'll wait for your reply po. Smile
Last edited by Jeston07 on Wed Apr 11, 2018 12:39 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : typo-graphical error)