nangungupahan sa kwarto na
pinarenovate ng pinsan ko. Ang
bahay na ito po kasi ay
pagmamay-ari ng namatay
naming lolo. Ang renta ko po
kada buwan ay 700. Ngayon po
isinanla ng pinsan ko sa akin
itong room sa halagang 15000.
Napagkasunduan namin na di na
ko magbayad ng renta dahil ito
na daw po ung interest.
Nagsimula ang kontrata namin
noong January 2012 hanggang
January 2013. Ngayon po gusto
ko sana irenew kontrata namin
kung ayaw pa niya ko byaran.
Ngunit ang sabi niya sa akin
ikaltas ko na lang daw ung renta
ko kada buwan sa 15000, dahil
tapos na daw kontrata namin.
Hindi po ako pumayag sa ganun.
Ano po ba ang mainam na
hakbang para dito. Sana po ay
matugunan ang katanungan kong
ito. Maraming salamat po