may tanong po lang sana ko regarding renewal ng rent. kasi narent ako ng apartment dito mandaluyong last may 10, 2012. then nag open kami ng business last july and since wala pa kaming specific location at that time inadvise kami na gamitin na address is yung sa apartment ko tapos pag nakahanap na ng paglalagyan ng fudcart yun ang gagawing branch address nalang. kaso nung mag aapply nako ng mayor's permit for main branch(office only) w/c is yung sa apartment ko, isa sa requirements is yung mayor's permit ng lessor ko kaya humingi ako ng copy kaso hindi ako binigyan. kasi for residential lang daw yung apartment ko and yun pala nacheck sa munisipyo na hindi naka registered yung business sa city mayors office. ngayon nung tumawag ako last march 18 ang sabi sakin hindi na daw ako pwede mag renew ng contract sa apartment ko kasi may magrerent na daw na bago sa unit.
may right ba silang hindi ako pag parenewhin eh may mga improvements na din akong nagawa sa unit tsaka landline w/c pag di narenew contract mag babayad ng pre-termination fee. wala bang law na nag proprotect sa tenant sa gantong situation. wala akong nilabag sa contract. on time magbayad and if ever man makalihis ng payment days lang ang pagitan and binabayaran ko naman fee para sa late payment.
tska ilang days ang binigay sa tenant para magkapag hanap ng bagong tirahan ever nga na hindi na pwede mag renew ng contract. i would really appreciate if you could help me on this.
Thank you and God bless!