OFW from KSA, eto case ko...Lancaster Profriends
- Bumili ko ng unit (diana) sa Lancaster / Profriends, dated: June 2012
- Nag bayad ako ng full down payment 20%= 162,000.00 pesos kc Ready for Occupancy (RFO) kinuha ko. Nung umuwi ako dat year gusto kong makita yung binili ko, nagtaka ako kc kailangan pa ng request to visit para makita yung bahay, nung nakakuha ako ng permit to visit, nagulat ako kc hindi puedeng bumaba sa sasakyan to inspect nung bahay, nung nakita ko yung unit as in hindi pa pala tapos, poste at pader palang yung ginagawa,malinaw na hindi RFO ang binigay saking unit.
- Bank Financing: ganon din hiningi sakin complete documents, so nag submit ako lahat ng kailangan for bank approval, nung nag follow up na kami sa profriends, ganon din sinabi nila "DENY" daw. may nakita daw na credit sa account ko, natatawa ako sa sinabi nila sakin kc WALA NAMAN AKONG BANK ACCOUNT! paano at saan nila nakitang bangko yun?, Sa mrs.ko naka pangalan lahat ng bank account namin hindi sa akin, so nilipat na naman yung papers namin sa ibang bangko den pinag sa submit ulit ako ng latest and updated documents, gang umabot na ng isang taon, ganon din DENY din daw ulit.
-Inhouse Financing: June 6,2014 nakatanggap kami ng tawag sa profriends at pinapapunta ako sa Main Office nila sa Mandaluyong, ang sinabi sakin kailangan daw pumirma sa "CANCELLATION of CONTRACT TO SELL", ang rason daw kc para baguhin yung na unang contract kc pinasok nalng nila sa inhouse financing and approved na, so pumunta ako sa main office nila to clarify things, nung nabasa ko yung documents na pinapapirmahan sakin "cancellation of contract to sell" wala namang babaguhin don sa na unang contract, ang nakalagy don sa documents eh some "errors" lang and hindi naka specify kung anong dahilan para icansel, so hindi ko pinirmahan, hinanap ko yung bagong contrata if meron na, so kinuha yung bagong contract, nagulat na naman ako sa pinapaprimahan sakin kc "BLANK DOCUMENTS" na contrata binigay sakin, basta pirmahan ko lang daw at sila na mag eexecute after mapirmahan, iniisp ko sa sarili ko kung anong tingin nila sakin, kung ako bay mukhang tanga? mukhang walang alam? nakaklungkot lang isipin kc akoy isang Arkitekto na niwala sa magandang hangarin nila nung binebentahan ka palang ng unit, hindi ako nagalit dun sa babeng staff nila kc alam kong hindi niya alam yung ginagawa niya,yung tangang management ang dapat sisihin diyan, so ganito pa nangyari, ang sabi automatic daw na pag hindi na approved sa bangko ipapasok sa Inhouse at nasa contrata daw yun, ang tanong ko? 2012 ko pa binili yung bahay, dat year alam na nilang hindi na approved sa bangko so ang dapat kung automatic, pinasok na nila agad sa inhouse financing, bakit pina abot pa nila ng ilang taon bago pinasok kung puede naman palang ganon, malinaw na panloloko ginagawa nila.
Inhouse Financing: ang paliwanag ganito: Approved na daw yung inhouse financing ko dated: MAY 4, 2014, kaya may pinababayaran pa saking 10% na kulang doon sa naunang down payment ko amounting 100,000 pesos daw ulit kasama pa penalty kc nga nag start na nung MAY, kc nga if inhouse 30% ang kailangang i down payment mo, so lumaki yung babayaran, nakakapag taka lang kc hindi naman kami na inform na approved na sa inhouse yung papers namin wala manlang tawag or email na iinform ka if ok na, ang tanong ko? pano nagkaron ng inhouse eh wala naman kaming pinipirmahang documents or anything regarding sa transaction kung papaano ang systema pag inhouse, walang concern silang ginawa basta ang pinamukha nalang samin yung mga babayaran pa,
tapos ganito pa, may billing na agad ako ng August so fort & so on kc continous na daw yung hulog ko sa bahay, instead 12k naging 20k naging monthly ko and so if hindi mo nabayaran yun ng 3 consecutive monhts ma fforfiet yung bahay mo, nakakpag taka lang talaga pano mang yayari yung sinasabi nila eh hindi pa nga natturn over sakin yung bahay tapos may billing ka na ng August? ggipitin ka nila para maibenta na ulit nila yung bahay sa mas mataas na halaga.
Wala akong pinirmahan sa bagong documents nila, kc icocorect nila yung mga na unang pag kakamali nila para hindi sila mahabol or mademanda ng mga buyer nila.
- Lawyer: may kapatid akong abogado, pinakonsulta ko sa kanya yung case ko sa Profriends, malinaw nga na pang gigipit yung at panloloko ginawa nila, sa katulad ng case ko, maari ko paring makuha yung perang ibinayad ko or "REFUND" NASA BATAS YAN, SECTION 24. RA NO.6552, KUNG SAKA SAKALI: ang grounds niyan, maaring makansela ang license nila to sell for other projects. kc nga FALLS ADVERTISING GINAGAWA NILA.