Kami nuong 2011 nagbenta rin ng bldg and lot(commercial) pero nakasulat lahat ang agreement sa negotiation ng bilihan. Kaya walang problema, pero may na-encounter ako na sa pagbabayad ng capital gains tax at doc stamp tax sa BIR, ni-require ung buyer na kumuha ng under oath na acknowledgment receipt of the payment stated in the deed of sale from us the seller, and official receipt of the attorney in notarizing the deed of sale. Kung baga sa bumili ka ng isda sa palengke, bayaran mo at kunin mo ung isda, hindi ung kunin ko muna ung isda at iluto ko at kainin, saka ko babayaran baka malason ako. Parang a sort of assurance na walang problema sa binili. Aba, kapatid, naka-encounter na ako ng ganyang sistema din sa isang buyer ng lote namin. Gusto, ipatitulo muna sa kanya at saka bayaran ng buo at cash. Ginawan ng attorney ng offer to purchase at pinapapirma sa kanya na may nakasaad ng upon full payment at saka gagawin ung deed of sale. Hindi niya pinirmahan, so may iniisip siyang hindi tama. Resulta? hindi na namin ibinenta sa kanya.