Good day po Attorney.
Nais ko po sanang idulog para sa legal na advice ukol po sa isang kababaryo ko sa San Manuel, Tarlac para maipaabot sa magulang nung binatang ikinulong para man lang maramdaman din nila kahit papano ang tamang hustisya.
Mangyari pong yung binatang iyon ay nakasuhan sa salang pagtaga (gulok) sa magpinsan na amin ding kababaryo. Medyo malala yung tama ng babae at di gaano naman yung pinsang lalake nung una.
Isinuko ng Ama ng suspek yung anak sa aming kapitan sa pag-asang baka maayos iyon pero ang nangyari'y naging saksi yung Kapitan sa Korte nung magdemanda yung babae.
Nakulong po yung binata ng mahigit dalawang taon ng hindi padin natatapos ang mga pagdinig. At dahil wala ng maipresentang testigo ang nagsampa at nang review-hin nila (bagong judge na nag-precide) ay nakitang nakulong na ng mahigit dalawang taon yung suspek.
So ang nagyari, kinausap po nung judge yung binata at tinanong kung nais niya na bang lumaya (kasi parang nagbubulungan yung mga Prosecutor, judge at clerks na parang antagal na...at ako nung araw na yun ay andun din sa korte para sa ibang pagdinig). Sa madali't sabi, nagpalabas sila ng kautusan na ipaalam sa mga magulang na may aayusing Papeles para sa paglaya ng anak nila (di nanaka-attend yung mga magulang nung bata dahil sa kawalan ng pamasahe at walang masyadong kaalaman dahil di nakapag-aral. At nakalaya na nga po sa loob ng Linggong yung nakulong na binata..
Pagkalipas po ng ilang araw, habang ang binata ay mahimbing na natutulog po sa bahay nila, habang wala ang mga magulang, bigla daw pong nagdatingan yung mga Pulis at binitbit ang binata, isinakay sa Mobile at uli na namang ikinulong.
Nung mabalitaan ng mga magulang ang nangyari, pinuntahan ang ang mga pulis para itanong kung ano ang kaso. Ang sabi daw po ng mga Pulis, nagdemanda daw naman yung pinsan nung babae, yung lalakeng kasamang nataga. Itinanong po ng magulang kung may warrant, ang sagot ay wala daw po.
Nagyari po ang pangalawang pagkulong nitong mga first quarter nitong taon at hanggang ngayon ay di man lang nadadalaw ng magulang yung anak sa kulungan dahil sa ito ay may kalayuan. Kapos sa pera.
- Ang tanong ko po ay tama po ba yung naging procedure ng kapulisan sa Paghuli at pagdala sa binata? At tama din po ba na ganun ang pagka-demanda nung binata? Na dalawang ulit na magka-ibang panahon sa magkaibang tao sa iisang pangyayari at panahon?
Ano po ba ang magandang gawin ng maibsan naman po ang hinagpis nung mga magulang?
Maraming salamat po Attorney.