I would just like to know, bukod sa paninirang puri ano pa pwedeng maging kaso ng byenan ng kapatid ko. Kasi yung mga paninira sa minors na anak sinasabi. And I strongly believe na hindi dapat makakarinig ng hindi maganda ang mga bata about sa magulang nila, lalo na kung hindi totoo at walang basehan...Hindi na po ito maganda kasi masisira po yung kapatid ko, masisira pa yung pamilya nya.
My sister works as a Marketing Manager sa isang construction company, lagi syang ginagabi ng uwi dahil kailangan nyang makipag meet sa mga kliyente, minsan nauutusan din syang magbantay ng site...her live in partner and the dad of her 3 kids are aware of this bago pa sya umalis ng bansa to work as a seaman. Below the belt kasi na sabihin ng byenan nya sa mga anak nya na "may lalaki" ang nanay nila. WALA PONG BASEHAN o EBIDENSYA, talagang nagtatrabaho lang po talaga yung kapatid ko. So ngayon kinumpronta ng kapatid ko ang byenan nya at sya pa ang sinabihang bastos. Lumipas na yon.
pero lately nagkaproblema ata sila ngayon ng bayaw ko kasi di na makakasakay ng barko ulit due to health problems...siguro nalungkot yung bayaw ko kaya nag iinom at laging wala sa bahay...kaya ngaun kinausap ng sis ko yung byenan nyang lalake (since may gap sila ng byenang babae) na pagsabihan yung anak nila about sa pagiinom.
Nung nagpunta yung byenang lalake kasama si byenang babae...tas sinabihan sya na wala daw syang respeto...di naman daw nya maintindihan bakit sya sinabihan ng ganun...and right there sinabihan yung mga bata kung kanino daw sasama. So sya pa ata ang nag iinsinuate na maghiwalay yung magasawa, dapat sya pa nga yung mag effort na ayusin bilang magulang. Kasi sa side namin di kami nakikialam sa problema nila, nakaalalay lang kami di kami nanghihimasok. pero ngaun po kase sobra na. inaalala ko yung mga pamagkin ko. Sila ang magsasuffer sa mga away ng matanda. At malilito yung isip nila dahil sa maling salita na galing pa sa mismong lola nila. Help po please. Thanks and God Bless you all.