Ikinasal po kami ng aking asawa last August 29, 2012. Yung father po nya namatay noong July 7, 2012. Yung byenan kong babae tutol na maikasal kami pero naka-prepare na ang lahat, dahil nga sa pagpanaw ng byenan kong lalaki. Simula po noon nagkaron na kami ng hindi pagkakaunawaan ng byenan ko. Hanggang sa umabot na po kami sa BARANGAY. Lagi po nyang ipinagkakalat na AKO ay masamang babae dahil natuto raw maging suwail ang kanyang anak simula noong kami ay ikinasal. Kahit kanino yung ang sinasabi nya sa akin kahit sa barangay, ako raw ang taga-sulsol sa asawa ko na anak nya para labanan sya. When in fact, wala naman katotohanan. May sariling pag-iisip ang asawa ko hindi na kelangan pang turuan. Kahit harap ng barangay officials ako ang sinasabi nya masama. Chinichismis nya ako kung saan-saan sa kanilang lugar. so kada punta namin dun sa kanila ganun ang sinasabi ng mga tao at ang sama na nga ng tingin sa akin. Ito pong araw na ito, muli nyang nabanggit sa Lupon na ako nga daw po yung mapanulsol at masama dahil dati raw mabait ang anak nya. Ano po ba ang maari kong ikaso sa byenan kong mapanira ng puri??? SObra na po kasi. Buntis pa po ako ngayon.