hi, magtatanung lang po ako tungkol sa aming mag-asawa, kami po ay ikinasal ng walang parent consent ang partner ko. ako po ay 29 yrs old nun at ang partner ko ay 20 yrs old sa birth certificate nya dahil xa ay late registered. pero ang tunay nyang edad ay 17 yrs old,ginawa yun para magamit niya ang apelyido ng stepfather niya. bagamat ang sinunod namin ay yung nsa birth certificate nya. nagpakasal po kami ng wala ang parents niya, ang ate ko po ang nagpanggap na tita niya at yun po ang nakalagay sa marriage contract namin. bago po kami kinasal kinabukasan, nalaman po ng mama niya ang plano namin at nagpunta ng gabi bago ang kasal, sinabi po ng partner ko na magpapakasal siya sa akin, aty sinabi naman ng mama niya na bahala siya s desisyon niya. masama ang loob ng mama niya pero walang siyang nagawa para pigilan ang kasal namin kinabukasan. sa madaling salita po naikasal kami sa civil,judge po ang nagkasal sa amin. tinanggap na rin ako ng mga magulang niya, at nagustuhan naman po nila ako. ngayon po ay 7 yrs na kaming kasal at may dalwang anak. siya po ay nanlalaki at may kinakasama ngayon. iniwan po nya ang aming anak sa akin, isang 6 yrs old at isang 1 1/2 yrs old. ang sabi daw po ng kinakasama niya ay peke daw po ang kasal namin at pwede daw po sila magpakasal. may karapatan po ba ako na magdemanda sa kanila? null and void ba o walang bisa ang aming kasal kahit nagsama na kami ng 7 taon at nagkaroon ng 2 anak. anu po ang dapat kong gawin sa kanila? salamat po at sana masagot nyo po agad ang katanungan ko.