Gusto ko lang po humingi ng legal advice. Kinasal po kami nung 2008. Nabuntis ko po siya kaya kami kinasal. 20yrs old lang po ako at yung wife ko is 27yrs old nung kinasal kami. Kinailangan pa po namin ng father's consent para ikasal. Naghiwalay po kami dahil sa hindi pagkakaintindihan at dahil na rin sa pagiging irresponsible ko. Umayaw na sa akin ang pamilya niya at pinaghihiwalay na kami. Kumampi po siya sa family at nagdecide po akong makipaghiwalay. So, now 2yrs na kaming hindi nagsasama at nagbibigay pa rin ako ng support sa bata pero hindi ko siya nakakasama. Nagdecide na akong magfile ng annulment at nag-agree naman din siya sa desisyon ko. Anu po ang mas applicable i-file na case?
Free Legal Advice Philippines