yun nga po mawawalan daw ng bisa yong kasal namin kasi yong sa parants consent dinaya daw namin. ang ginawa kasi namin naging UNKNOWN yong parents ko dun. bale yong kapit bahay namin na babae yun ung ginawa naming KUNWARING guardian ko, siya na ang nag pirma sa dapat pipirmahan ng parents ko. kaya sabi ng asawa ko pwede daw yon mapawalang bisa ang kasal namin sa ginawa namin.
lahat lahat naman po ng requirements naicomply namin, mayor yong nagkasal sa amin dito sa Camarines Sur. ginawa namin na UNKNOWN na lang parents ko para mapadali ang kasal. kasi kung hihingiin pa ung pirma nila matatagalan po at di po sigurado kung papayag sila. baka abutin pa ng buwan bago mapirmahan kasi nasa mindanao sila. natakot na kasi ako dahil malaki na tiyan ko baka mahalata sa work ko na buntis ako matanggal pa ako sa trabaho.
Legal naman po lahat kung tutuusin kasi original kung pinirmahan namin, totoong mayor nagkasal sa amin, naparehistro agad naman namin un,me mga witness naman po kami dami pa nga witness namin . dun lang kami nagkakadalihan sa isang requirements sa marriage licence namin YONG SA PARENTS KO kasi 23yrs old pa lang ako at that tym..
kaya humihingi po ako ng advice o kaalaman na KUNG mapapawalang bisa ba yong kasal namin dahil dun sa parents consent na dinaya namin. kasi natatakot po ako na baka magpunta siya sa munisipyo kung san kami ikinasal at sabihin o mag apela siya ipawalang bisa yong kasal namin dahil dun sa dinayang parents consent na pirma.
PERO NGAYON PO ALAM NA NG PARENTS KO NA KASAL NA AKO AT TANGGAP NA NILA YUN NGAYON, WALA NA SILA BALAK NA MAGREKLAMO PA DAHIL SA IBA ANG PUMIRMA NA DAPAT SILA ANG PUMIRMA.
me chance ba na mapawalang bisa yong kasal namin dahil dun patulong naman po.