Last nov 23 2012 poh, naaksidente yung brother ko and his wife sumwer in Bacoor.. Binangga sila ng isang company delivery van habang nag momotor sila papasok ng work.Unfortunately, napuruhan yung sis in law ko at na damaged ung right foot niya.
Dinala naman sila sa nearest hospital nung driver ng van at habang nasa ER ung sis in law ko, nagpunta sa police station yung brother ko at yung driver ng van for investigation. And since napatunayan na kasalanan ng van yung nangyare, kailangang panagutan nila or else ikukulong driver.
Dumating yung lawyer ng company and they temporarily amicably settled by giving 10k to the victims and they signed on an agreement na sila ang sasagot sa lahat ng gastusin sa hospital. At kung nde matupad eh magsasampa ng demanda ang kapatid ko..
Sobrang na damaged yung right foot ng sis in law ko.. Naputol yung tip ng 2nd toe nia, nawasak yung big toe at Na fracture yung 3rd toe. Need pa isemento dahil sa mga buto na na damaged..
2 days before lumabas ng hospital yung sis in law ko, nakikipag usap pa ung driver at lawyer ng company samin.. But nung araw na lalabas na, ni ha ni ho wala na kami narinig sa kanila.
We tried to talk to company's manager, or kahit sino na pwede but then they refused to talk at sinabi pa na walang liability ang company nila sa nangyare at they keep on insisting na sole liability lang un ng driver.. So wala kami nagawa kundi pagtulungang bayaran ang hospital bill amounting to 36k.
Ngayon poh nakasampa na ang case at naka 1st preliminary investigation na noong March 6 2013. Hindi sumipot ang accused.
Ang tanong ko poh, tama ba yung sinabi ng company na wala silang pananagutan sa nangyare kahit pa nga delivery van nila ang sangkot?
Maaari ba namin kasuhan ang company? Kung possible ito, anu namang kaso?
Kung halimbawa na di sumipot ulit sa March 20 yung accused, maaari na ba siyang babaan ng warrant?
Yung damaged ng motor poh is P21,000.00 at hndi pa totally pag aari ng bro ko yun kase hinuhulugan pa sa casa.
Sana poh matulungan nio kami..
thanks..