First year college student po ako dito sa Baguio (i'm not living with my parents), ang nangyari po kaninang hapon around 2 pm po, sinamahan ko ung classmate ko sa boarding house nila to get her pe t-shirt. Ung aso po kasi is nakatali sa papasok sa hallway, eh di ka talaga makakadaan na hindi siya malalalampasan. Nung papasok po ok pa naman po, di naman siya nagalit o anuman pero nung palabas na kami, hinarang nga ka-klase ko ung aso para makadaan ako. Pero ewan ko ba at naabutan niya ako kaya nakagat ako sa lower left leg ko. Ginawa naman po namin is pumunta agad kami sa clinic ng school namin, then sabi ng doctor pumunta sa health center. Pumunta naman po ako pero ako nalang kasi may pasok pa kami. May mga pinafill-up sakin (details ng dog bite), tapos un, pinagbayad po ako ng 205, supposed to be 410 pero wala nga akong perang dala. Then ininject'an na po ako ng anti-rabies. Pagkabalik ko po ng school, sabi po ng teacher ko during that period, uwi na daw ako pero kinuha ng kaklase ko na nagbo-board sa boarding house ng may asong nakakagat sakin ung resibo and schedule ng pagbalik ko sa health center para kausapin niya daw ung landlord nila.
Tapos ngaun ngaun lang po nagtext siya sa'kin saying : "Miles kamusta kana? Ui alla paano yn ;( sbe nung landlord namin d niya dw bbyaran un tapos pinagalitan pa ako. kse bt daw aq nagddla ng bcta. Masama kse ugali nun basta pagtungkol sa pera mukhang pera kse un"
So di ko na po alam next na gagawin ko...Patulong naman po