May binebentang property po sa amin nakapangalan po ang title sa mag asawa kaya lang matagal ng patay ang lalaki 6 years ago..
ang gusto ng babae ay sya ang pipirma para sa asawa nya sa deed of sale.. sabi namin ilagay na lang na deceased para walang problema pero ang sabi nya baka maubos daw ang napagbentahan nya sa inheritance/estate tax kaya balewala din daw pagbenta nya. yun ang iniiwasan nya..
ang gagawin naman daw nya is gagawa ng 2 deed of sale, isa para sa kanilang mag asawa at isa pa deed of sale para sa mga anak nya na katibayan na hindi na maghahabol..
ang kinakatakot po namin ay balang araw ay mabawi ang property sa amin..
pwede po ba nilang mabawi yung property kahit na transfer na sa name namin ang titulo?
TIA