Nagsama yung dad ko at stepmom ko for almost 12 years sa bahay amin sa province. Yung dad ko nakakulong ngayun. habang nasa kulungan sya yung stepmom ko naghakot ng gamit 2 vans, aircons, 3 laptops, sala set, refrigerator, etc. Yung stepmom ko ngayun may kinakasama ng iba. Umuwi ako sa province, halos walang laman ang loob ng bahay. Habang nakulong yung dad ko nagkaroon sila ng agreement na ito lang pwede mong kunin, hindi naman makikita ng dad ko kung anu talaga mga kinuha nya. So, hinayaan naman nagmove on kami sa mga kinuha nya. Nagkabalikan parents ko. pinauwi ko mother ko sa province para may nagbabantay at umaattend ng hearing ng dad ko. Nagsampa yung stepmom ko ng case sa mother ko na hindi daw pinapayagan ng mom ko yung stepmother ko na kunin mga gamit nya sa bahay? Ang opinion ko naman, may agreement sila ng dad ko kung anu lang ang dapat nya kunin sa loob ng bahay. Gusto naming magsampa ng case anu kaya pwede naming isampa? yung isang van kasi nakapangalan sa dad ko. Please help.