Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ANO PONG KASO ANG PWEDENG ISAMPA DITO. SANA MATULUNGAN PO NINYO KO. HAPPY NEW YEAR PO..

Go down  Message [Page 1 of 1]

ms.libra


Arresto Menor

kami po ay nakatira sa isang apartment. kami po ung nasa unang unit ng apartment at ang ikalawang unit ay kamaganak po ng asawa ng uncle ko. nung gabi po ng december 24,2012 nagiinuman sila dun sa pangalawang unit kasama ang uncle ko ng biglang nagpunta ang uncle ko sa pinto namin at nagtanong "may pagkain ba kayo dyan?" ngunit walang sumagot sa amin dahil may personal kaming dahilan kaya di kami sumagot. makalipas ang ilang segundo sinabi nya na "parang wala kong kinakausap sa inyo" at umalis sya. maya maya isinara ng kapatid ko ang pinto wala naman sya intensyon na ibagsak ang pinto pero dahil sa itinulak lang ay bumagsak ng malakas.. ilang minuto ang lumipas ay bumalik ang uncle ko at pinagmumura dinuro duro ang kapatid ko sa bintana. lumabas kami ang sabi namin "bakit ano problema" sabi nya sa mama ko "binagsakan nya ng pinto ang mga anak ko, bastos talaga yan! namamasko mga anak ko binagsakan nya ng pinto" at nagmumura sya. di po namin alam na nasa labas ang mga anak nya at di naman dumungaw man lang sa pinto namin. lumabas kaming lahat ako ang mama ko at ang kapatid ko. nagkaron na ng mga sagutan. naghahamon sya sa kapatid ko.hanggang sa sinabihan nya ang mama ko ng "talo ka kasi sa kaso ni b***" at dun na nagalit ang kapatid ko at sinabihan nya na "nang dahil sayo nangyari yan kaso na yan sa magulang ko" at nasapak ng kapatid ko ang uncle ko at inawat ko. yung isang bayaw ng uncle ko na umiinom sa pangalawang unit ay makikitulong para gumanti at bugbugin ang kapatid ko kaya ang mama ko sa pangambang masaktan ang kapatid ko ay naglabas ng itak pero di naman ito gagamitin kung hindi nila gagalawin ang kapatid ko. hanggang sa nagmumura na naman ang uncle ko at bago sya lumabas ng bakuran namin upang pumunta sa baranggay ay nagsisigaw sya na "papatayin ko yan si *****s! papatayin ko yan!" at umalis sya nagtungo sa baranggay. nauna sya nagpablotter sa barangay at pagtapos nya ay nagpablotter din ako dahil sa takot ko na saktan nila ang kapatid ko. nilagay ko sa blotter na kapag nasaktan ang kapatid ko sya ang mananagot. at pagkatapos nagpablotter din kami sa police for reference lang po at pinayagan naman kami. pinadalhan na po kami ng invitation para sa paghaharap namin sa barangay at ang natanggap namin na invitation ay ung para po sa blotter namin na pagmumura at death threat ngunit wala kaming natanggap na paanyaya para sa blotter nya sa amin na physical injury. pagdating namin sa barangay nung linggo pinakita ko po ang invitation namin pero ang sabi po ung blotter daw po muna ng uncle ko ang uunahin at after 4 weeks yung blotter naman po namin. pero di po yun ang nakalagay sa invitation namin. yung blotter po namin ang nakalagay na nakatakdang ihearing sa petsa na yun.

eto po ang mga katanungan ko:

-ano po ang pwede namin isampang kaso sa uncle ko? para sa pagmumura at pagbabantang pagpatay.

-pwede po ba namin sya kasuhan ng trespassing kahit na apartment kami at dumayo po sya sa kamaganak ng asawa nya na nasa pangalawang unit? nasa loob pa rin kasi sya ng bakuran namin nun.

-gusto nya po magdemanda at ganun din po ako. pwede po ba kami humingi ng endorsement ng sabay? kasi po masyado na po nakakaabala sa oras namin kung 8 weeks kami pupunta sa barangay at ganun din naman po ang desisyon namin na ituloy ang demanda. pati po ang nakalagay sa invitation namin ay hearing po yun para sa blotter namin. pwede ko po ba ipaglaban yun para makakuha na ng endorsement?

-tama po ba na ang invitation na matanggap namin ay para din sa blotter namin?? wala kaming nareceived para sa pablotter nya. alam ko po na sya nauna magpablotter pero po ang nakalagay sa invitation namin ay paghaharap para sa blotter namin. tama po ba na unahin ung sa kanya kahit na un ang nakalagay sa invitation??

-tama po ba na iakyat ang kasong pangbarangay sa mtc kung di pa nahearing sa barangay? dahil lang sa lupon ang complainant? ano po ang pwede namin icounter sa kanila?

alam ko pong mahaba tong salaysay ko dito sana po ay basahin nyo at matulungan nyo ko. paghaharap na po namin ulit sa barangay sa linggo at gusto ko po magpunta dun na may knowledge sa mga ganyang bagay. ayoko pong ulitin nila sa kapatid ko ang ginawa nila sa magulang ko. salamat po.



Last edited by ms.libra on Thu Jan 03, 2013 4:17 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : i have to edit the names)

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum