I've been reading alot here in the forums and cant help myself but sign up and seek an advice.
Nung nasa early twenties po ako meron akong naging BF and eventually na buntis nya ko. Nasa party po kami and he took advantage of me being drunk that time. Dahil po sa probinsya kami, napilitan akong magpakasal sa kanya dahil sa pressure sa lahat ng tao kesyo nakakahiya daw po na buntis ako at di kasal, Ano na lang daw ang iisipin nag tao sa akin. Lalo na ung ama nung exBF na kilalang tao samin dahil nasa politika sya. Sya na mismo ang nakiusap sa magulang ko na ikasal kami. Tutol po ang ina ko pero ng dahil nga po sa kahihiyan at sa pagkakamali na nagawa ko wala na rin po syang nagawa....nagpakasal po kami. Araw ng kasal na iniiyakan ko dahil di ko matanggap ang nangyari sakin.
Kinasal po ako ng Dec at nanganak ng Feb. Pregnant wedding in short. Sinubukan po naming magsama pero hindi ko po talaga makayanan ang ugali nya. Lalo na ang pagiging iresponsable at pakikitungo nya sa pamilya ko. Higit po sa lahat...ung pananakit nya pag magkasama kami. Ang masakit po nito parang lumalabas pa na talagang nagpabuntis ako para matali sya.
Sa madaling sabi humiwalay po ako sa kanya kasama ang anak ko. Wala pa pong isang taon un simula nung ikasal kami. Tumira kami sa mga magulang ko at lumipat din kami ng tirahan sa kadahilanang di ko na po kayang makisama sa kanya. Nag abroad po ako para masuportahan ang anak ko at salamat sa Diyos nagkaroon ako ng magandang trabahao.
Simula po nung nag abroad ako pinutol ko na lahat ng kumunikasyon sa kanya, nung mga unang taon ko sa abroad panay po ang pagbabanta nya, pambabastos...lahat po nga mga text nyang ganun ay itinabi ko na balang araw magamit ko bilang patunay kung anong ugali meron sya.
Ngaun po ay nasa 7 taon na ako dto sa abroad, ayos naman po ang lahat dahil kada holidays at school vacation eh nandito ang anak ko at di na ako ginugulo nung exHUS ko. Ang problema lang po ay kada kilos ko na kailangan ng cenomar ay nagkakaproblema dahil kasal po kami. Hinahanapan nila kadalasan ng pirma nung exHUS tulad po ng housing loan.
Naiisip ko lang po na ang tanging paraan para maging malaya ako sa kanya ay mag file ng annulment pero dahil sa walang kaalaman sa batas di ko po alam kung saan ako magsisimula o kung me grounds ba ako para maka pag file ng annulment naisipan ko po nag mag post dito.
Me laban po ba ako or forever na po akong nakatali sa kanya...