ask ko po kung ano ang pwede maging kaso ng bayaw ko-
namatay po ang sister ko dahil di sya pinasalinan ng dugo ng bayaw ko because of religious beliefs. dinala po sya sa isang ospital na merong bloodless procedure. nagkaroon po ng initial diagnosis na aplastic anemia (lower counts of all three blood cell types) at ok pa sya on her first day sa hospital. 2nd, 3rd and 4th day, unti-unti ng bumagsak ang platelets, nag-i-increase ang mga bruises, bumibilis ang palpitation at sobrang maputla na. advice ng hematologist, kelangan sumailalim sa series of tests at ginawa lahat ito for 1 day (yung bone marrow biopsy, follow-up imaging test, etc.), 5th and 6th day lumala at sobrang bumagsak lahat ng counts ng dugo, until her 7th day, namatay po sya. sister ko po e tumanggap naman ng sacramento ng binyag at kumpil. na-convert lang sya sa jehova's witness nung nagpakasal sya sa husband na jehovah ang religion. sa ospital, lagi po sya pinapipirma ng bayaw ko para di magpasalin ng dugo, one for the hospital and another copy for their church (which i feel di gusto ng ate ko, napipilitan lang sya, siguro to show her support lang as wife and for the sake of religion). nakausap ko po one time sa hospital ate ko ng kami lang 2 na baka daw di sya alagaan ng husband nya or pabayaan kaya pumirma sya. nung time na gusto na ng doctors na pasalinan ng dugo ang ate ko (ilang oras bago mamatay), pwede naman daw po nmin i-retract yung agreement thru her husband pero talagang ayaw nya.
gusto namin sya sampahan ng kaso, pero di namin alam kung ano pwede isampa. pasok po ba ito sa RA 9262? at ska yung pagkakalat nila ng maling balita na stage 4 na ang sister ko (which is defense lang nila), pwede ba tong ground at maging libel case? nakuha po namin ang medical record pero talagang kulang sa dugo ang sinasabi ng medical record kaya sya namatay at ito din ang i-explain ng hematologist samin. sobrang hirap po kasi ng nararamdaman namin as siblings. sa religion nila, wala na silang pakialam kung mamatay ang tao. never nga nya nakita yung puntod ng ate ko. gusto na nga namin po syang gantihan physically like ipabugbog pero sobrang masama naman ata yun. gusto ko po sana magkaroon ako ng idea thru this forum bago ako kumuha ng abogado, at least meron na po akong konting idea. hope i can get any answer here. thank you po.