good afternoon po..
concern ko lang sana un problema ng kaibigan ko..sana ay matulungan nyo siya.
Involve po ang anak niya.
Kasi po un kasamahan ng anak niya sa trabaho ay nagpost ng masasamang salita sa facebook..Ngayon sinita ng anak niya yung kasamahan niya bakit ginawa iyon?Umabot sa nagkainitan ang usapan at nagkaroon po ng suntukan..Nauna daw po sumuntok ang anak ng kaibigan ko,inunahan na daw niya kasi may mga kabarkadang kasama.
Nagsumbong po yung bata sa tatay niya.At kaagad at nagblotter sa barangay at naghaharap sila..Kaso po ang sabi daw po ng ama ng bata ay,magbayad sila ng 10,000 dahil may binayadan na siyang abogado at pag hindi sila binayadan ay papakulong yung anak ng kaibigan ko..Natakot po ang kaibigan ko na makulong ang anak niya lalo pat sinabi nung ama na kahit ang kaibigan ko ay kaya nun ipakulong dahil madami siyang kilala na pwede magpakulong sa kanila.Gumawa ng kasunduan ang ama at ang kapitan na kailangan nila magbayad ng 10,000 para sa abogado at pinirmahan ito ng kaibigan ko sa takot niya.Sa pangalawang paghaharap wala naman sila nadalang 10,000 dahil mahirap lang din ang buhay ng kaibigan ko.Ang sabi ng nanay ng kaibigan ko na ipakita ang medical cert..at resibo ng sinsabing binayad sa abogado..Ang sabi ng ama ng bata ay panibagong 5,000 kapag kinuha ang resibo..Parang hindi na tama yun..
May nagpayo sa kanila na pumunta sa municipyo at humingi ng tulong sa pang gigipit ng ama at ng kapitan.Ang sabi daw ay lumapit sa Secretary ng Barangay..Pero laking gulat ng kaibigan ko sa sinabi ng Secretary na dapat daw kasi ay binigay na un 10,000 kahit 2 bigay ginawa..Kamag-anak pala ng ama ng bata ang Secretary..Yung pangtalong paghaharap ay hindi na siya pumunta..Ngayon ay may subpoenang ipindala at ang kaso ay physical injury..
Paano po ba ang magandang gawin??May laban po ba ang kaibigan ko?
Maraming salamat po.