Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

kaso na may resolution na ngunit walang pang aksyon

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

camilleprudente


Arresto Menor

good day po sir. we are happy to know na meron na po palang gantong site na tumutulong sa amin na kulang ang kaalaman pagdating sa mga kaso sa korte. sir, ang problema po namen ay ganito, nag file po kame ng kaso ng estafa sa imus regional trial court noong june 17 2006 at may resolution na po na inihain ngunit hindi po dito natapos ang kaso sapagkat ipinadala po sa trece martires ang mga papeles at ang sabi po sa amin ay doon daw po kame muling ihain ang kaso. ang pinag tataka po namen atty ay bakit pa po ipinallipat ang aming reklamo ganung meron na pong resolution sa naunang kaso sa imus? at magpa hanggang sa ngayon po atty. ay wala pang kinahihinatnan ang aking kaso ito po ay isinampa noong taong 2006, at ang resolusyon po ay lumabas noong 2009, sa haba po ng pag aantay namin ay wala pong ngyayare sa kaso. 125,000 po ang naitakbong pera sa akin atty. at ngayon po ay kainlangan ko na din mabawi ang pera dahil sa hrap ng buhay, sana po ay mabigyan nyo ako ng payo. malaking tulong po ito sa akin at sa aking pamilya. maraming salamat po.


wolverine2

wolverine2
lawyer

Yung Resolution po ba na tinutukoy nyong lumabas noong 2009 ay mula sa Office of the Prosecutor? Dahil kung oo, eto na po yung magiging basehan ng Prosecutor (tawag dati sa kanila ay Piskal)para gumawa ng Information kung sakaling may basehan siyang maghain ng kaso. At ang Information po na ito ang siyang dadalhin sa korte. Kung nasa korte na po ang demanda, dun na po maaaring maglabas ng Warrant of Arrest para ipahuli ang nasasakdal.

Baka po ang korteng may sakop diyan ay nasa Trece Martires pa kaya dun po ito dinala.

Pakitingnan ninyo nga po.

sifone

attyLLL


moderator

you will have to trace 1) why the case was transferred; and 2) who is now handling the complaint.

it is not worth speculating. you should go to the trece martires prosecutor's office and inquire. I suggest you bring a letter inquiring the status.

once you have determined why and who, then perhaps you can file a motion to resolve whatever matter is delaying the case.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

camilleprudente


Arresto Menor

thank you very much po sa inyong mga paliwanag sa akin sana po ay umusad na ang aking kaso sa lalong madalng panahon, at sa inyo pong tanong sa akin attorney kung ang resolution po ba ay mula sa piskal. ang akin pong kasagutan ay opo ang resolusyon po ay nagmula sa opisina ng piskal ng imus. sa inyo po bang palagay mga kagalang kagalang naming lawyer, maari ko na lang po ba i-file ang kaso sa mga small claims court? dahil napanuod ko po sa telebisyon na mabilis ang pagdinig sa kaso sa mga small claims court natin. kahit po magpalugi na ako ng 23,000php ay tatanggapin ko na at iksaktong 100,000php na lang po ang aking ififile. sana po ay muli nyong dinggin ang aking email. maraming salamat po sa inyong magandang loob.

camilleprudente


Arresto Menor

sa akin pong kaalaman ay nag file ng kontra demanda sa akin sa trece martires ang aking idinidemanda,. ngunit maliwanag naman po sa aking mga dokumento magmula po sa sa barangay hall ay inamin nya ang kanyang pagkakasala sa akin at kalakip po ang mga dokumento na mag papatunay ng kanyang panloloko sa akin. ito po bang kontra demanda nya sa akin ay hahantong sa mas matagal na pag usad ng kaso? dahil my resolusyon na po ang korte ng imus, sadyang sa trece lamang po sya naghain ng kontra demanda laban sa akin

wolverine2

wolverine2
lawyer

Kung ako po sa inyo, kahit huwag na po kayong mag-file sa small claims court dahil nakapagfile na rin lang po kayo ng criminal case at ang mga ganitong klase ng kaso ay inirerefer ng korte sa tinatawag na Mediation. Sa mediation, kayo po ay mag-uusap usap sa tulong ng isang mediator kung papaano nyo aayusin ang kaso na hindi na kailangan pang umusad ang kaso hanggang sa may hatol na ang korte. Mabilis din po prosesong ito kagaya kung mag-fifile pa po kayo sa small claims court. at tulad sa small claims court, hindi rin po kailangan ang abogado sa mediation. At kung aking idagdag, malulugi pa kayo ng Php 23, 000 e pwede naman po kayong mabayaran ng buo sa mediation. Malaking halaga rin po yun di po ba?

Tungkol naman sa kontra-demanda ng iyong dinemanda, karapatan po niya yun. Hindi naman po ito mas papatagaling ang sinampa ninyong kaso dahil pwede po silang umusad ng sabay dahil magkaiba at magkahiwalay at ikinaso mo at ang ikinaso niya. Ang labanan na lang po ay ang kung sino ang may mas solidong ebidensya sa inyong dalawa.


sifone

7kaso na may resolution na ngunit walang pang aksyon Empty small claims or estafa Wed Jul 21, 2010 1:20 am

tobias047


Arresto Menor

u mean attorney kung below 100k ang nakuha nde sya papasok sa estafa case? sa small claims lng sa papasok? and nde n rin kylangan ng atty.? settlement na lng mangyayari? criminal case pa rn ba yun? additional info lng po atty thanks

wolverine2

wolverine2
lawyer

Ganito po kasi yun. Kung magfile kayo ng estafa, criminal case po ito. Ang civil aspect ng estafa case ay pwede nyong dalhin sa small claims court. Pero Dun po sa small claims court, dapat po ay hindi lalampas sa P100 thousand ang hinihingi ninyong pera. Pwde nyo pong ifile yung civil aspcet ng estafa case sa small claims court at matutuloy parin yung estafa case kahit nagfile ka na small claims court. Pero di po ba P125 thousand yung gusto nyong ibalik sa inyo so parang babawasan mo pa ng P25 thousand yung hinihingi ninyo para lang makapagfile kayo sa small claims court?

Kaya iminumungkahi ko po na ituloy ninyo yung estafa case dahil kapag nasa korte naman na yan, irerefer din yan sa Mediation so para narin lang po kayong nagfile sa small claims court at hindi pa bawas yung hinihingi ninyo. Kung magfifile pa po kayo ng hiwalay na claim sa small claims court, bukod sa malulugi kayo ng P25 thousand, mas makakaabala pa sa inyo ito dahil doon pa po sa MTC yung small claims court habang yung estafa ay nasa RTC. Dumuon na lang po kayo sa estafa case para minsanan na lahat ang kaso.

sifone

camilleprudente


Arresto Menor

atty. maari ko na lang po ba ilipat ang aking kaso sa manila? sa tingin ko po dito sa amin sa cavite ay talagang palakasan na ang nangyayare, at dahil po dito nais ko po sanang ipull-out ang aking kaso sa trece martires at ilipat sa maynila ng sa ganun po ay matigil ang gamitan. maari ko po bang gawin yon attorney? maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsagot sa aking mga email, sana po ay marami pa kayong tao na matulungan

attyLLL


moderator

camille, you should file a motion to resolve first before trying to have the case transferred. you will have to prove the basis for your transfer.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

wolverine2

wolverine2
lawyer

Hindi po ganun kadali ang magpalipat ng venue sa isang criminal case tulad ng inyong isinampa. Hindi po sapat na "sa tingin nyo" ay may palakasan diyan sa inyo? Paano nyo po ito nasabi? Prominenteng tao ba yang dinemanda ninyo? Kaibigan ba niya yung judge o sino man na pwedeng makaimpluwensiya sa judge o kahit sa prosecutor?

Ang paglipat po ng venue (halimbawa cavite to manila) ay kailangan pa ng pahintulot ng Kataastaasang Hukuman o Supreme Court. Jurisdictional po kasi ang mga kasong kriminal. Ibig sabihin, tanging ang korte lamang na may sakop sa pinangyarihan ng krimen ang may sakop din sa kaso. Kailangan pa ninyong mapaniwala at makumbinse ang Supreme Court na hindi magiging patas ang pagdinig sa kaso kung dyan sa cavite gaganapin bago kayo papayagan. (Halimbawa ay ang kaso nina Ampatuan. Inilipat ang pagdinig sa kaso sa Manila dahil naipkaita na kung sa Maguindanao ito didinggin, malaki ang posibilidad na hindi magiging patas ang judge o hukom dahil siguro sa takot nito sa mga Ampatuan o baka maaari itong masuhulan.)

Tutal nandiyan na rin lang yung kaso, pakiramdaman mo muna. Kung talagang garapalan na ang palakasan diyan at ang hustisya ay malabo mong makuha, marami ka namang pwedeng gawing hakbang. Balitaan mo lang kami.


sifone

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum