Gusto ko pong malaman kung ano pwede namin isampang kaso sa mga taong ginagamit ang linya (franchise) ng dati naming pampbulikong sasakyan?
Binenta na po kasi namin dati yung jeep namin na hindi kasama ang linya. Dapat po private na yung sasakyan pero hindi nila ginawa tapos pumapasada siya na dala-dala ang pangalan ko, linya at plaka ko.
Nag-demand letter na po ako para isauli sa amin ang plaka pero ayaw ibalik sa amin para mai-surrender sa LTO. Tumatakbo siyang colorum na gamit-gamit ang pangalan ko.
Hanggang ngayon po ay pinapa-tanggal ko po ang pangalan ko, linya at yung plate number subalit ayaw akong intindihin. Ilang beses na po namin pinapahuli sila sa LTO at traffic enforcers ngunit nakukuha nila sa lagay.
Ano po pwede i-kaso sa kanila? Gumagawa po kasi sila ng mga violations tulad ng colorum na gamit-gamit ang pangalan ko bilang operator.
Maraming salamat po sa magiging tugon ninyo.