sana po mabigyan nyo po ako ng advice sa kaso ng asawa ko kami lang po kase dalawa ang nag lalakad at kaya po siguro kaya din nila kami bilugin ang utak dahil sa edad po ng asawa ko na 22years old at ako po 20 years old may dalawa po kaming anak, natatakot po kc ako na makulong po sya uli pwede po ba kami mag palit ng abogado ? balak po kc nmin ay kumuha ng private lawyer may abogado po kami sa pao sa kadahilanan po na malayo po kase ang muntinlupa ay hindi po namin sya nakakausap at tuwing hearing lang, sana po mabigyan nyo po kami ng advice kung pwede po ba sya kumuha ng probation yun na lang dw po kc ang gwain nmin para matapos na dw po ang kaso ' aminin na lang dw po ng asawa ko para hndi daw tumagal ang kaso nya, marami po nag sasabi samin ngyon lang dw po sila nakakita ng ganitong kaso na masyado po na ipit na ipit ang asawa ko ang may ari po kc ng lippad transit ay kampi sa pamilya ng namatayan kc po hndi sya nag bigay ng financial assistant doon kya bumabaling sya sa kabila para sa asawa ko lahat ibuntong .. diba po dapat sya ang operator at dapat sya ay pumapagitna para mag kasundo ang problema ko pa po ay hindi sya nag papakilala na sya ay operator ng bus sya lang daw po ay taga pag salita, dahil narin po sa takot kaya hindi kami makapag sumbong sa abogado dahil po yung abogado po namin ay ka close nya po at kinakaibigan nya po ang mga abogado, kaya po kami ng asawa ko ay nanahimik na lang at kahit kalaban nmin cla ay sila pa ang nag didikta para sa gagawin nmin, dahil po siguro sa edad nmin ng asawa ko ay kaya nila kami diktahan, ang hirap po ng sitwasyon nmin marami po kami balitang natatanggap na pinag babantaan nila ang buhay nmin, ang asawa ko po ay hindi man po nya ginusto ang makapatay lalo pa at kundoktor nya yon ay kaibigan may pamilya din po kami at pinag aaral pa po ako ng asawa ko ng college kaya kahit sino po na tao lalo pa at matino wala po gustong makasakit ng kapwa at makasira ng pamilya db po sana po mabigyan nyo po kami ng advice litong lito na po kami at wlang mahingian ng tamang payo at dapat na gawin maraming salamat po at nag karoon ng ganitong blog para sa mga katulad ko na humihingi ng legal advice, more power po at pag palain po sana tayong lahat.. salamat po